KASUNDUAN SA PAGSUSUMITE NG AWIT — STAGE 1 (Pilot)
Sa pagitan ng ByaherongNers ("Platform") at ng creator na nag-upload.
1. Ano ito. Stage 1: pre-revenue. Walang perang involved — walang bayad, walang advance, walang kikitain muna. Para sa radio play at chart eligibility lang.
2. Sino ang may-ari. Ikaw ang 100% may-ari ng awit mo. Hindi ito ibinebenta, inililipat, o isinusuko.
3. Lisensya. Non-exclusive, worldwide, royalty-free na lisensya para: (a) i-play/i-stream sa OSIM Radio; (b) isali sa chart + maiikling promo excerpts. Gawin mo ang gusto mong gawin sa likha mo — malaya mo ring i-post, ibenta, o i-license ang awit kahit saan, kahit kanino.
4. Stage 2 economics — plano pa lang. Kapag nagsimula ang paid revenue, papasok ang Stage 2 sa HIWALAY na kasunduang pipirmahan nating dalawa. Ang PLANO: 80% sa creator / 20% sa Platform mula sa B2B licensing pool. Target pa lang — HINDI pangako — hindi magkakabisa hangga't walang pirmadong Stage 2.
5. Pagbawi / Withdrawal. Puwede mong bawiin ang awit mo ANUMANG ORAS sa written notice (email sapat na). Sa loob ng 30 araw, ihihinto namin lahat ng bagong paggamit. Ang nai-publish nang charts at promo excerpts ay mananatili; ang mga kopyang na-download na ay hindi na mababawi — totoo ito sa lahat ng platform.
6. Impormasyon sa pagsusumite. May karapatan kang isumite ang awit; ideklara ang AI tools na ginamit.
7. Pilot. Ito ay pilot terms. Kung may update pag na-review ng abogado, ipapa-basa at ipapa-sang-ayon ulit sa'yo bago mag-apply sa'yo.